Saturday, September 12, 2009

Regular na Ako!

Yahoo! Regular na Ako!......

Regular na ako sa work, so dapat wala na ang chismis na may STD daw ako! Kasi dito sa Dubai, pag nalaman kang may ganung sakit after nun pre employment medical test, DEPORT ang bagsak mo!

Regular na ako sa work, so ibig sabihin, namit ko yung mga expectations ng mga amo ko kaya napaaga ang pagiging opisyal na pagiging empleyado ko. In short,magaling talaga ako.Yabang!

Regular na ako sa work, so malamang, regular na rin yung makakarinig ako galing sa amo ko nang : " you did a great job, Sherwin!". Hahaha, yabang pa rin!

Regular na ako sa work, so regular na rin ang overtime na walang bayad.

Regular na ako sa work, pero hindi ibig sabihin non eh manlilibre na ako ng regular yum sa Jollibee.

Regular na ko sa work, so regular na rin sa mga susunod na taon (unless mag resign ako kaagad!? Ang pagsusuot ko ng pormal clothes. Hindi pa rin ako ganung sanay kasi sa Pinas, civilian ang palagi kong suot pagpasok sa opisina.

Regular na ako sa work, so regular na rin ang paglalakad ko pagpasok sa umaga at pag uwi sa gabi. Tamang ehersisyo lang para iwas taba, iwas high blood at iwas gastos sa pamasahe.

Regular na ko sa work, so regular na rin ang pagsahod at siyempre pagpapadala ng pera buwan buwan sa mga mahal sa buhay sa Pinas.

Regular na ako sa work, so regular na rin ang pag gising nang maaga kahit pa puyat para maghanda ng almusal, baon sa tanghalian at mamlantsa ng damit na susuotin.

Regular na ko sa work, regular na rin ang pagluluto ko sa gabi ng pagkaing makakain. Mas masarap kaya ang lutong bahay kaysa sa regular flavor ng KFC, kasawa fried chicken!

Regular na ko sa work, so regular ko na rin makakasalamuha sa opisina yung mga ibat ibang lahi na minsan eh nakaka init ng dugo lalo na yung kanilang amoy.

Regular na ko sa work, ganun pa man, hindi dapat pabayaan ang regular na ritwal na pagblobloging.

Regular na ko sa work, at sa bawat araw na daraan, tiyak na dadami pa ang mga Pinoy na aking makikilala at makakausap, at masasabi kong parang hindi rin ako lumisan ng Pinas!

Regular na ko sa work, sa kasamaang palad, meron iba jan ang lalong maiinis sa akin kasi may regular na trabaho na ko. Mamatay kayo sa inggit, pag nagkagayun, ipapalibing ko naman kayo sa regular na casket!

Regular na ko sa work, so ilang buwan pa bago ako makauwi ng Pinas para magbakasyon. Regular pa rin ang pagkamiss ko sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Hayyyy.

Regular na ako sa work, ayos na. Sana next time, love life ko naman ang dumating...

Regular na ko work, maraming salamat sa Diyos! At sana patuloy Niya pa akong biyayaan ng kalusugan at kaayusan maging lahat na mga Pilipinong nagtratrabaho sa ibang parte pa ng mundo.

14 comments:

  1. Wow! Congratulations, bro! o",)

    Ayaw mong magpa-Regular Yum? ...sige, Champ nalang.

    ReplyDelete
  2. Congratulations, Chico!

    You deserve these blessings!

    At dun sa wish mo about your love life, dapat hindi regular. Dapat special!

    ReplyDelete
  3. @ rj: wahhh! mas mahal ang champ!

    @ isladenebz: thank you! oo nga noh, dapat hindi regular pag dating sa love life! dapat special! galeng galeng!

    ReplyDelete
  4. congrats! isa na namang novo ecijano ang nagkatrabaho sa dubai. patambay dito ah! :)

    ReplyDelete
  5. You deserve it, kasi you did your best.

    Uy, next photo, hugo boss na suit mo.
    Then post mo na, regular na akong model ng brand na hugo, hehehehehe.

    Sure ko happy feeling ka na, lalo na merong ibang bansa, me global crisis!

    ReplyDelete
  6. regular ka narin bang sasakay ng tren jan sa dubai?hahaha

    ReplyDelete
  7. congrats sir chico... sana nga tuloy tuloy na ang blessings... ingat palagi!

    mabuhay ang mga ofw na tulad natin! hehehe.

    ReplyDelete
  8. Eeeiii.Congrats sa pagiging regular. Hhmm at nadaannan ng malilinaw kong mata ang buhay pag-ibig. naku magiging regular din yan noh hehe. ;D Congrats ulit, at sana nga ay latuloy kang biyayaan ni God. ;D Napadaan lang hihihi

    April
    Stories from a Teenage Mom
    Mom on the Run
    Chronicles of a Hermit

    ReplyDelete
  9. congrats, kahit di tau magkakilala congrats!!!

    ~liane_0922@yahoo.com

    ReplyDelete
  10. natawa at natuwa talaga ako sa post mo na ito. :-)..grabeh, gumagaling ka ng magsulat! natuto ka na sa akin. (hehe..feeling editor/writer)

    REGULAR KA NA!!!
    -hoi, manlibre ka naman. parang dami mo ng utang sa akin ah. (pls lng wag mo akong ilibre sa tabi tabi ah, 'sosyal' na ako ngaun..hehe)
    -ienjoy mo lng work mo..remember, you asked and prayed for it, then, be glad in it.
    -dito talaga ako natawa sa 'lovelife' mo, sana nga maging regular na din..but i agree with isladenebz dapat special nde regular lng- isama mo ulit ito pag nag-post ka na may title na "SPECIAL na AKO''..hehe (corny!)...may i suggest pa naman ako knina sa email regarding sa lovelife- naisulat mo na pala dito...hay naku, ano isasama na ba kita sa ón going search'?..bago yun, kelangan dagdagan mo pa ang kabaitan at pasencia. oks. naku, i'm so sure mauunahan mo pa ako. pero, grabeh! excited na ako para saýo!!!!double date tayo kung gusto mo! naks! ang lakas ng loob ko. :-)
    -mukhang magiging regular na ako sa pagbisita sa blog mo ngaun...natatawa at nangingiti pa din ako hanggang ngaun sa ginawa mong 'tweeter'..hahaha...

    cia, hanggang sa muli...sana laging ganito dito-'masaya'. abangan ko ba ang 'tweet mo' na matutulog ka na...hahaha....Gudnyt!

    -tin

    ReplyDelete
  11. @ marvin: novo ecijano ka rin? wow kabayan, pwedeng pwede ka dito tumambay sa blogs ko!

    @ francesca: mahal yata ang hugo! saka na pag naging manager na ko! (kelan kaya yun?)

    oo nga sa kabila ng global crisis, at least regular work na to.


    @ poging ilocano: ay sory walking distance lang ang ofis namin mula sa haus. lugi ang tren sa akin.


    @ eben: sana nga yung iba pang OFW na walang work o natanggal sa work eh makahanap na rin ulit.

    ReplyDelete
  12. @ basyon: love life na nga sana ang kasunod. hehehe. sayo rin sana patuloy ang blessing ni Lord! yngat.


    @ lian: anong di tayo magkakilala,? eh di ba nagchat na tayo tapos ayaw mo man lang ibigay yng name mo? hikhikhik kiss and tell!

    @xtian1978: mas masaya jan ang blow-out!

    ReplyDelete